Ang wisdom teeth, o ang mga pangatlong bagang, ay ang mga huling ngipin na tutubo. Ang karamihan sa atin ay may apat na wisdom teeth, isa sa bawa’t sulok ng bibig. Madalas ang mga itong tumubo habang kabataan o humigit kumulang sa edad na bente.
Kadalasan, ang wisdom teeth ay naiipit o sumasalubong sa buto ng panga o hindi lamang natutuloy ang pagtubo. Ito ay maaaring maging dahilan ng paggitgit o maling pagkaayos ng ibang mga ngipin o maaaring magbunga sa pagkabulok ng ngipin, impeksyon, o sakit sa gilagid Ang sumalubong na wisdom teeth at nasa may panga na nasa di pangkaraniwang posisyon, minsan ay pahalang, na pumipigil sa karaniwang pagtubo nito.
Kung ang ngipin ay hindi sinalubong, ang pagbubunot nito ay katulad rin ng pamaraan sa ibang mga ngipin.
Upang paginhawahin ang anumang paghihirap at pabilisin ang paggaling:
Tawagan kaagad ang inyong dentista o doktor kung sakaling may labis-labis na pagdugo, pamamaga, patuloy o lubhang sakit, o lagnat.
Siguraduhing sundin ang espesyal na mga instruksiyon na pag-aalaga sa bahay na ibinigay ng inyong propesyonal na tagapangalaga ng ngipin.